Hindi ko talaga ito masasagot pa sa ngayon. So, bakit ka pa nagsulat, Tin? lol Sa totoo lang, wala na dapat talaga tayong paguusapan dito kaya mas maigi sigurong tapusin na natin ito. Ito ‘yung article na hindi pa nagsisimula e natapos na. 😂
Pero ‘yun talaga ang totoo. ‘Di ko ito masasagot hanggang sa ako mismo ang makaranas ng isang malubhang karamdaman. Minsan nga iniisip ko na kapag nagpacheckup ako ay sana ganito lang maging usapan namin ng doktor ko:
Me: Dok, may parang kakaiba po kasi akong nararamdaman sa banda rito at banda roon. Ano kaya ito?
Dok: Ah, actually pinipitik lang ‘yan. Parang ganito. Gamit syempre ‘yung middle finger kasi mas malakas. Tapos kung ‘di nawala, pitikin mo ulit gamit naman ang forefinger. Tas ‘pag ‘di pa rin talaga nawala, ‘yung ring finger naman. Ganun lang sya.
Sa mga pasyente na makakabasa nito, ‘wag na ‘wag po kayo maniwala sa doktor nyo kapag ganyan ang sagot nya. Malamang at sa malamang ay doktor sya ng mga kababalaghan. 😆✌️
Dahil wala pa talaga ako gaano maise-share sa topic na ito, ititigil ko na ito at saka na lang ulit kapag matino na ako mag-isip. Alam ko napaluha ko kayo sa article na ito. Pero at least masaya ang inyong mga luha kahit kayo mismo ay hindi. 👍👍
Ang gusto ko lang talaga sabihin na sana ay manatili tayong matatag sa gitna ng mga mabibigat na pinagdaraanan natin sa buhay at huwag mawawala ang pananampalataya natin sa Panginoon. 🙏
P.S. Dahil hindi ako makagalaw masyado dito sa condo at maliit ang space (kaya siguro kung anu-ano iniisip ko), hanggang nood na lang muna ng mga dance workouts. The video below is a high-intensity cardio workout kaya mas magandang may warm-up and cool down sessions before and after the dance routine.
P.P.S. At na-LSS din ako kaso ibang lyrics nakakanta ko sa part ng “tu me qemas me qemas me qemas” kasi nagiging “kume-kyeme a kyeme a kyeme.” 🎵 At siguraduhin lang din na may at least 2 meters na social distancing habang sumasayaw kasi kung ang katabi mo ay nasa energy level 100 humataw, baka ma-knockout ka nya. Hataw, mga bes, and stay healthy! 🥰💃
