NOT Hopeless: May Pag-asa Pa Din

Contrary sa iniisip ng karamihan na wala ng pag-asa na mabago ang sistema sa ating lipunan kahit kailan, nais ko lang sana ipaalam na meron at meron pa ding pag-asa. 🙂

Oo, hindi na natin mababago ‘yung sistema sa ngayon sa ating gobyerno. Dahil kumbaga sa puno, ito ay isa ng acacia tree – malaki, malago at maraming ugat na nakabaon hanggang sa pinakailaliman. Hinding hindi ito basta basta mabubuwag. Putulin mo man ang puno o main trunk, andyan pa rin ang ugat, uusbong at uusbong pa rin. Kailangan ng isang napakalakas na bagyo in the history of PAGASA (‘yung ahensya at pwede namang ‘yung hope) para ito ay mabuwag at tuluyang mawala.

Ano ba ang problema sa lipunan?

Greed for money and power – ang ugat ng iba pang suliranin sa lipunan gaya ng kahirapan, pagkagutom, traffic, etc. Ito ‘yung kagustuhan to be the best and the richest. Just like how kingdoms #riseandfall noong unang panahon sa bibliya. Nga lang, karamihan ay gusto ng great power and great wealth. Parang mga leon na binigyan mo ng malaking piraso ng karne, lahat gusto tumikim.

Maaaring mabago ang konsepto na ‘yan without demanding our government and the leaders now to change dahil we don’t have the power for that anymore kundi ang Dios na. Panalangin na lang sa kanila ang maaari nating gawin. At ibabase ko lang ito sa dalawang premises na madalas nating marinig ngunit madalas din nating isantabi:

1. Change starts in me.
2. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

‘Yang dalawa ay magkaiba ang pinanggalingan ngunit kapag pinagsabay mo, ito ang magsisilbing daan towards that CHANGE.

Paano?

Lahat tayo ay magulang o magiging magulang o kung hindi man ay mag-aampon o magso-sponsor ng isang bata. Sa lagay na ‘yun, we have the POWER. Not for greed or money but the power to make the change in the society through the younger generations.

Saan ba nagsisimula ang paghubog ng tamang asal at magandang karakter ng isang tao mayaman man o mahirap? Sa isang pamilya sa pamamagitan ng patnubay ng magulang because we, the parents, are the leaders in our own home. Ang STEALING, CHEATING at LYING ay ilan lamang sa mga halimbawa ng di-kagandahang asal na natututunan ng isang bata oras na magkaroon sila ng kamulatan. Ang hindi pag-correct at pag-disiplina sa pagnanakaw ng ballpen ng classmate halimbawa ay maaaring mauwi sa pagnanakaw sa kaban ng bayan pagtanda.

Kung tatanungin ninyo ako ano ang guide o panuntunan para turuan ng magandang asal ang ating mga anak, sa totoo lang, ‘di mo kailangan maghanap sa iba o i-enroll sya sa isang social etiquette class – nariyan ang BIBLE. The bible contains the highest standards when it comes to morality – lahat napapaloob doon mula sa tamang pananalita, tamang reaksyon, tamang kilos, tamang desisyon at higit sa lahat, takot sa Dios.

In fact, our laws right now na ginawa originally ng ating forefathers ay ginawa alinsunod sa mga nakalagay sa bibliya. Kung titingnan natin ang 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, mababasa mo sa Preamble ang pag-recognize kay God as the Supreme being who governs ALL laws:

PREAMBLE

We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society, and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

As a parent it is our role to live out these standards so we could become good role models at mas madali rin ang pagturo sa mga anak kung ano ang tama sa mali.

Malay mo o malay natin, ang anak mo, sya pala ang susunod na President of the Republic of the Philippines 30 years or so from now. We can never tell, right? At kung marami sila na nahubog sa tamang pamamaraan with the aid of of our Almighty God and nakaupo na sila sa pwesto ng gobyerno in the future, baka maaari ngang malabanan ang mga katiwalian dahil sila na ang mas malaki at mas malago at ang mangingibabaw ay kabutihan for the greater good of the Filipino people.

#maketheCHANGEforyourchildrenandtheirfuture

P.S.

Para saan pa nga ba ang pagpapaaral sa akin mula sa kaban ng bayan kung hindi rin ako gagawa ng paraan hanggang sa abot ng aking makakaya at kaalaman para matulungan ang aking bayan at mga kababayan. – Iskolar ng Bayan

“I am only one, but I am one. I cannot do everything, but I can do something. And because I cannot do everything, I will not refuse to do the something that I can do. What I can do, I should do. And what I should do, by the Grace of God, I will.” – Edward Everett Hale

#Goal

 

Dahil kahit sira ang aking laptop, wala pa ring nakapigil sa akin na mag-sulat sa blog lalo na’t ilang araw na akong natengga sa pagsusulat ayan na’t puro drafts sila at kahit pa tinatyaga ko ang mabagal na pag-type nito sa aking phone. 😉

Madalas kong maalala ang nabasa ko sa libro ni Pr. Joey patungkol sa buhay mag-asawa sa libro nyang pinamagatang “The One Thing That Saved My Marriage.”  This was what he shared about remembering an incident where he learned that one lesson that changed their lives as a couple:

We were visiting a church in snow-covered Washington, DC. Though it happened in 1988, I can still remember the moment vividly in my mind. The pastor said, “At the end of your life, you will find yourself in a hospital bed somewhere and the people surrounding your bed will not be your business partners and associates; they will be your wife and children. The saddest day of your life is when you look into her eyes and both of you realize that you did not love her and your children the way you should have.”

Kung interesado kayong mabasa ito, married or not, you can download this sa website nya (joeybonifacio.com) and you just have to subscribe and look for the book in the e-books bar section.

Parang tulad din ng sinabi ni Pr. Dennis sa seminar on careers sa Singles’ Getaway noong 2012 kung saan ako nagkaroon ng altar call. This was about his wife noong ito ay nagbabalak i-pursue ang pagme-medisina para maging doktor at pinapili nya kung buhay may asawa o pagdo-doktor pipiliin nya. He told his wife na kaya ba syang damayan ng kanyang medical career sa mga gabing naiiyak o nalulungkot sya dahil sa isang problema. His wife chose to prioritize him and the family.

I met my husband nasa katapusan na ako ng masteral ko. Ngunit pinili kong unahin ang pag-aasawa thus we got married kahit ‘di ko pa tapos MA ko. Now I jokingly asked my husband, “Hon kung matapos ko MA ko and pursue my PhD, papayagan mo ba ako?”

He seriously answered/asked: “Wala ka na panahon ‘nun sa amin ng mga anak mo. May gusto ka bang patunayan sa sarili mo, Hon?”

And I was silent. Smiled. Then laughed. It was really a joke.

Oo, tama sya. Para saan pa nga ba ang pag-pursue of “greater” things when God wanted us to be content with what we have taking into consideration things that really matter – if you are married, it is your spouse and family. When we claim for greater things then it also means greater responsibilities which as we all know requires these – more time, more effort, and more resources. I guess we never really can have the best of both worlds thus we have to choose and prioritize. Ngunit sa mata ng Dios, what comes after Him if you are married is not your career but your spouse.

Tama sila Pastor na sa pagtanda mo o kapag ikaw ay naaksidente o nasa ospital, it is not going to be your co-workers, your friends or your boss who will be there to stay with you 24/7. Lahat ng iyong kaibigan ay magkakaroon din ng mga sarili nilang pamilya ganun din mga kapatid at kamaganak at ang mga ka-close mo sa trabaho ay magre-resign din ‘di kalaunan.

Though it is nice to get achievements, it will become of no use when you get home and you have nobody to share it with who is there with you cheering you all the way from start to finish. There is a possibility though that your spouse will leave this world sooner which would prove that indeed, things of this world are only temporary.

Yet this will prove too that because life is short and everything is temporary, it is a must we give the necessary kind of love to the significant other that God has appointed to us if it is our calling to be married.

Maybe the best question we should ask ourselves now is to whom or to what are we investing most of our time now here on Earth? Are we using it to forge meaningful relationships living out the greatest commandment of God which is loving someone with a Christ-like attitude and preparing for life in eternity or we are just living the life within this world and conforming to its patterns?

Isa sa mga goals ko ang mabuhay ng simple, working to live and not living to work. I need money for survival and yet I rely on God for the rest of my needs. If we are getting everything we need and want thru our own efforts then we would become lukewarm in our faith thinking we don’t need Him to supply our needs.

Now this is contrary to what God wants from us dahil ang gusto lang Nya is for us to seek Him with all our hearts. ‘Yun at ‘yun lang kung tutuusin ang only goal natin in this world dapat.

With this in mind, I contemplated about not finishing my masteral. I prayed real hard about it and got an instruction from God to finish it in His perfect time. Plano kong mag-shift ng courses noong college at itong Special Education na course sana lilipatan ko. But I was advised na ituloy ko na lang undergraduate course ko and i-pursue na lang as master’s degree ang Special Education kung plano ko mag-aral ulit.

Matagal na panahon na ang lumipas pero hindi pa rin ako makausad sa masteral thesis ko to the point na tinanong na ako ng Kuya ko kung ito ba talaga gusto ko. Sabi ko oo, dahil gusto ko tumulong sa mga batang may kapansanan o special needs. Nararamdaman ko na dun malapit ang puso ko. Kung ‘yun daw ang purpose ko ‘di na kailangan ng master’s degree dahil marami namang paraan para tulungan sila.

Sagot ko naman hindi lang kasi ‘yun. Plano ko magtayo ng isang Special Education school at magiging maganda credibility ng school na ito kung alam ng mga magulang na ang may-ari ng school ay may alam sa Special Education. Plano ko rin maging hands on sa school na ito kaya dapat may alam ako sa Special Education, training at experience nang sa gayon masubaybayan at magabayan ko rin ang mga SpEd teachers na magtuturo sa aking school.

At hindi lang dito nagtatapos ang layunin ko dahil kasabay ng school ay plano ko magtayo ng isang foundation/therapy center na mangangalaga ng libre sa mga batang may kapansanan ngunit kapos para makakuha ng sapat na serbisyo sa kanilang mga needs doon muna sa aking hometown sa Bulan, Sorsogon sa Bicol region. Alam ko na sa mga plano na ito, malaking effort, mahabang panahon at malaking pondo kailangan kong bunuin.

Ito ay isa lamang sa mga long-term goals ko kahit pa ngayong ako’y may asawa na. At palagay ko magpapatuloy ito hanggang sa pagtanda ko. Alam ko malapit ang puso ng Dios sa mga bata at alam ko rin na ang Special Education ay isa sa mga paraan ng Dios para matulungan ang mga batang nabuhay ng may kapansanan. I know the Lord sees the challenges, the frustration and the pain that these kids, who are innocent, go through pati ng mga magulang nila. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ito rin naging reminder ko:

“Many are the plans of man, but it is the Lord’s purpose that will prevail. (Proverbs 19:21)”

Sa ngayon patuloy akong nananalangin for the Lord’s instructions, guidance and provision. And yet I have faith na saan man ako dalhin ng Dios kahit pa sobrang kabaligtaran sa mga plano at pinapangarap ko ang mangyari, buo tiwala ko na it is for my own good at ‘di lang para sa akin, kundi para na rin sa asawa ko at sa mga magiging anak namin. Nagtitiwala ako na hindi man matupad itong pangarap ko in my lifetime, I have hope na nariyan ang opportunity na ang magiging anak ko ang posibleng mag-sakatuparan at tumupad ng mga pangarap na ito kung ito ay alinsunod sa will ng Panginoon at kung ito rin ang kanyang calling o misyon.

Sa ngayon, binigay sa akin ng Dios ang asawa ko. This means that whatever happens, sya ang pangalawa sa priority ko after ni God.

Ikaw kapatid, anong mga plano mo sa buhay ang inaalay mo sa Dios na bigyan ka ng gabay? Continue praying, God hears and answers. 🙂

“And we know that in all things, God works for the good of those who love Him, who have been called according to His purpose.” – Romans 8:28