Rising Above Adversities: First Fruit, First Blooms

Dahil andito na naman ako sa moment na sabi ko kay Bri, susukuan ko na ulit si Kamatis. 😅 Dahil naabutan na sya ng rainy season, laging makulimlim at wala na silang sunlight na nakukuha.

Dahil wala ring araw, parang nagkaroon sila ng fungus at nanilaw at nalagas ang mga dahon nya. Natuyo rin ang ibang mga bulaklak.

Nagbabalak na akong palitan sila ng Poisoin Ivy at Aglaonema, mga proven na resilient kong plants, this week. Pero naisip ko na patagalin pa hanggang sa tuluyan nang matuyo ang mga kamatis. At hangga’t may green akong nakikita, patuloy ko silang didiligan.

When God’s Plans Prevail

Pag-check ko ngayon, nagulat ako na may bunga na pala ang kamatis. Sya ang kauna-unahang bunga at sana hindi rin sya ang huli. 😁

First fruit of Tomato and first blooms of Chili Pepper. 🙏❤️😊

Napa-smile lang ako at napasambit na, “Kakaiba ka talaga, Lord. Heto at gusto ko na i-give up ang plant na ito pero parang lagi na lang binibigyan mo ako ng reason to keep it kahit pa ang nakikita ko sa kanya ay wala na syang chance mabuhay pa.”

Parang tayo lang ngayon. Andaming adversities sa paligid natin. Pakiramdam natin ang hopeless ng mga nangyayari. Pero what if tulad kay kamatis, there is something good pala sa kabila ng mga ito na hindi natin nakikita sa ngayon?

The Start Of My Vegetable/Urban/Container Gardening Experience

Napaka-memorable sa akin itong first experience ko ng pagtatanim ng gulay dito sa condo. Dahil against all odds ang pagtatanim ko given na hindi ideal ang planting environment dito. Napipilitan ako to think outside the box palagi to keep my plants thriving.

When I got the first “tugging” na magtanim, alam ko na malabo kaya ‘di ko sinunod. And yet persistent din ang Dios at ang sabi lang Nya ay gawin mo what I asked you to do, all the rest ako na ang bahala. Aminado ako ang hirap magtiwala sa Dios lalo na kapag andaming problema na dumarating at wala kang solusyon na mahanap.

And yet, this is what faith is all about. Sabi nga sa Bible, “Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see“ (Hebrews 11:1).

Faith That Can Move Mountains

I believed, against all odds, na mamumunga si Kamatis. Although may konting doubts, but still, I held on to my faith. True enough, hindi naman ako binigo ng Panginoon which only shows na faith can indeed move mountains.

Kaya sa mga nangangamba ngayon, heto si Kamatis, una kong tanim, matagal kong inalagaan, nasa 30% ang survival rate as of writing. 2 months ago, muntik ko na rin syang i-give up. And yet she made it this far.

Ang aantayin na lang natin ngayon ay kung lalaki itong fruit at ma-harvest namin. If that happens, then ito lang ay patunay na God fulfills His promises whatever the circumstance that surrounds you. 😊

Kaya mga ka-urban gardener, stay tuned. Ia-update ko ulit kayo sa final phase ni Kam at kung mamamatay ba sya bago ko i-harvest o magagawa kong i-harvest ang bunga bago sya mamatay. 😃

In everything, let God’s will be done. 🙏

A faithful gardener,

Blog Signature

P.S.

Isa ding fighter itong si Labuyo. Kumulot at nanilaw ang dahon pero namulaklak pa din. Panibagong story din ito na aantabayanan natin. 😅👍🏼

Kwento Ni Kam, Kwento Ng Pagasa

I originally posted this as a caption of a photo on Facebook. It was supposed to be one paragraph long. But, as we all know it, writers often end up writing more than just a paragraph. Voila, it became an article. 😅

This is written in the vernacular, and once again, I am putting my hopes on Google to make a fine job in translating it for you, my dear readers.


Sa bawat bad news na natatanggap namin ni Bri, binabalanse ito ng Dios with good news. Na para bang sinasabi Nya an “patuloy kayong umasa sa Akin at huwag sa mga circumstances nyo sa paligid.”

Parang itong si Kam (kamatis). Umabot sa punto na nag-50/50 sya. Ilang araw nalanta, nanilaw, namatay ang ibang dahon, at natuyo ang ibang flower buds. Ni-try ko syang i-revive na may kasamang dasal sa Panginoon.

Pero sure ako sa nakikita ko na walang matutuloy na mga bulaklak at ‘di na rin sya mamumunga. Pakiramdam ko nga tuluyan na syang mamamatay at mauuwi sa wala ang halos 4 mos naming pag-aalaga sa kanya.

Pagasang Hirap Hagilapin

Ito ang aming “panganay” sa aming mga tanim sa pagsimula ng quarantine. May mga times na gusto ko syang palitan dati dahil wala naman akong makitang mga buds. Kasing tangkad ko na rin sya dahil indeterminate variety sya, ang hirap nya i-stake.

Gusto ko syang sukuan in other words. Pero mas pinili kong patuloy syang alagaan, hinanapan ng paraan ang stake nya, at habol ko na lang is dagdag sa clean air ang mga dahon nya kung sakali mang ‘di sya mamunga. At dahil nga sa nag-50/50 sya, parang mas gusto ko na talaga syang palitan ng iba ngayon.

Magandang Balita Sa Kabila Ng Lahat

 

Ngunit noong Sabado, biglang nagbago ang lahat. Ang asawa ko ang nakapansin na nag-open na iba nyang mga flower buds.

At ang kulay pala ng bulaklak ng kamatis ay dilaw (first-time tomato grower here 😃). The color YELLOW symbolizes HOPE.

Alam kong hindi coincidence itong lahat. Yaong sya ang una kong tanim, maraming hirap at sakripisyo ang binuno sa kanya, muntik ng mamatay, at nabuhay sya sa panahon kung saan napakagulo ng paligid.

God knows what we need at exactly the right time. He knows we need something/someone to encourage us to keep on hoping against hope.

Kahit pa sobrang labo at hirap ng sitwasyon natin ngayon. Pero ito ang hinihingi Nya sa atin – to wait and to trust Him completely. Nasa atin na lang kung gagawin natin ito o hindi. 👍🏼

A hopeful gardener who’s always willing to wait,

Blog Signature

P.S.

Napakahalaga ang discernment kung kailan tayo mag-aantay at kailan tayo kikilos kapag nag-utos na ang Dios. Dahil kung tayo pa din ang gagawa ng solusyon sa lahat, we end up frustrated, disappointed, at nabe-burnout. Parang ako kay Kam.

Ngunit hindi rin pwedeng mag-antay na lang tayo forever at walang gagawin. Ika nga sa Bible, “faith without deeds is dead.” It is finding the right balance between faith and deeds that makes what we do a success and a fulfilment.

And always, kailangan nakabatay ang ating mga ginagawa sa mga plano ng Dios. Not our will, but let His will be done. 🙏

“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “These are plans to PROSPER you and not to harm you. Plans to give you HOPE and a FUTURE.” – Jeremiah 29:11 ❤️

P.S.2

Do take note that “prosperity” in the Bible doesn’t always mean wealth and worldly possessions. Kasama ang mga ito. But it could also be prosperity o kasaganaan sa good health, sa peace, sa love, etc.

Container Gardening 101: A Drive Towards Local Food Movement

It’s just funny how a tiny sign of life no matter how minute it is can be enough to give you the hope that you need. Much like humanity these days. Every single sign of life, we get to appreciate more and more with each passing day.

These are the roots of the mustard greens I planted. I didn’t do my research on how to propagate mustard greens so I ended up cutting the entire plant and leaving just a one-inch stub above the roots. When I searched the net, all the propagation info I found suggested cutting all the leaves but leaving the center as is since it’s a rosette.

I was close to giving this plant up after not seeing any progress for 5 days. But hubby told me to give it a couple more days. The next day, new leaves came out. Yay! Indeed, it is one resilient plant, and yet I am still praying God will let them grow well.

This is my first time to grow this plant along with other vegetables i. e. tomatoes, spinach, garlic, and green onions. So we’ll see in the next couple of days if my own style of “cut-and-come” method is successful. I almost killed it. 😂

We also have other challenges in growing these vegetables such as minimal sun exposure and very strong winds during the day. I guess in this case, I’ll just ask the Great Gardener, Himself, to watch over them for me. 🙏❤️😊

Tending God’s garden in my own little way,

#sustainableagriculture #localfoodmovement