Paano Nga Ba Maging Isang Remote Worker Sa Pilipinas? | A Guide

Handa ka na ba maging isang remote worker? Bago ang lahat, alamin muna kung ano ang sakop ng salitang remote worker o remote working.

Mayroong tatlong klase ng working from home or working remotely. Ito ay ang remote work, telework, at freelancing. Kadalasan, napaghahalo ang ibig sabihin ng bawat isa sa mga ito.

Narito ang mga articles para sa karagdagang kaalaman hinggil sa remote work, telework, at freelance:

“The Digital Age: Remote Work And Telework Defined”

“Be Protected As A Freelancer”

DSC_0416

A remote worker working from home. 😉

6 Tips Sa Pagtatrabaho Bilang Isang Remote Worker

1. Magsagawa ng financial assessment o budgeting.

Ito ang pinakaunang bagay na kailangang gawin bago ka mag-desisyon na maging isang remote worker o freelancer. Sa pamamagitan ng iyong financial analysis, alamin kung sapat ba ang iyong kikitain para pantustos sa iyong monthly expenses.

Kinakailangan din na mayroon kang emergency funds na nakalaan para sa mga panahon na magkaroon ng problema sa iyong client at employer pagdating sa payment. Ang freelancing o remote working ay pwedeng maging isang regular job. Maaari mong bitawan ang iyong day job or office job kung ang iyong kikitain sa pagiging remote worker ay pareho lang o higit pa.

Kung ikaw ay isang bread winner o may sinusuportahang anak, magulang, o relative on a consistent basis, mas maiging gawin ang freelancing bilang isang side hustle or job on the side. Ngunit kung hinihingi ng pagkakataon na ikaw ay maging isang remote worker gaya halimbawa sa mga full-time Moms, magandang opportunity ang remote working. Pero sa mga married couples, it’s best to consult with your spouse kung okay lang din sa kanya ang ganitong set-up.

2. Alamin ang iba’t ibang uri ng remote working or freelancing.

Ito ay depende sa magiging usapan ninyo ng iyong employer o client. Mayroong ibang employer na sila ang nagso-shoulder sa pagbayad ng iyong mga government-mandated benefits kagaya ng SSS, Pag-ibig, at Phil Health at saiyong BIR tax. Maaari ding makakuha ka ng company incentives at 13th-month pay na nakukuha ng isang regular employee pero may option ka na mag-work sa bahay o kung saan pa man.

May ibang clients din na pumapayag na sila ang sasagot sa mga bayarin mo sa kuryente at magpo-provide ng gagamitin mong laptop kung magwo-work from home ka. Pero mayroon ding clients na ang babayaran lang nila ay ang output or deliverables mo lang. Sa case na ito, ikaw ang magbabayad ng iyong mga contributions para sa SSS, Phil Health, at Pag-ibig kasama na ang BIR tax na 3% para sa mga freelance professionals or self-employed individuals. Ito ang kadalasan na setup para sa mga freelancers.

3. Ihanda ang iyong mga kakailanganing gamit sa remote working.

Kapag handa ka na maging isang remote worker, narito ang mga kakailanganin mo para sa iyong freelance or remote work:

  • reliable internet connection (mas mataas na mbps at DSL connection, mas maganda)
  • reliable laptop (mas malaki ang RAM, mas maganda; the client or employer will sometimes provide this)
  • backup internet connection (pocket wifi)
  • sariling private work space (para sa work-from-home)

4. Ayusin ang iyong status sa BIR, SSS, Phil Health, at Pag-ibig.

Ito ay kadalasang applicable sa mga freelancers kung saan sila ang babayad ng mga contributions para sa SSS, Phil Health, at Pag-ibig at ng BIR tax. Para sa BIR tax, kailangan mong baguhin ang iyong status from employed to self-employed.

Para sa BIR:

Kailangan mo mag-register bilang certified freelancer or self-employed sa pamamagitan ng pagkuha ng Certificate of Registration sa BIR. Maaari mong basahin itong mga articles para malaman ang step-by-step process:

https://www.kalibrr.com/advice/2016/01/freelancers-guide-bir-registration

http://www.freelancing.ph/bir-requirements-every-filipino-freelancer-should-know/

https://blog.staff.com/a-taxation-guide-for-filipino-freelance-workers-finding-projects-online/

*Kung ikaw mismo ang magko-compute ng iyong taxes, maaari kang maghanap ng mga reliable na tax calculator applications kagaya nito:

https://play.google.com/store/apps/details?id=tax.app.cavalli.com.taxapp&hl=en

Para sa SSS:

Magbabago din ang iyong status ng pagbayad to voluntary member kung ikaw na ang magbabayad ng iyong SSS contributions. Narito ang mga instructions kung paano ito gawin:

https://theultimatevaresource.wordpress.com/2015/08/22/how-to-pay-sss-contributions-as-a-voluntary-member-a-guide-for-filipino-freelancers/

Para sa Phil Health at Pag-ibig:

Phil Health: http://rakethub.com/how-to-change-philhealth-registration-from-employee-to-voluntary/

Pag-ibig: http://www.pagibigfinancing.com/articles/2010/voluntary-membership-to-pag-ibig-fund-the-self-employed-freelancers-and-non-employees/

5. Mag-open ng bank account o PayPal account.

Kung ang client mo ay based abroad, mainam na gawing payment mode ang PayPal dahil ito ay secure. Pero bago makapag-open ng PayPal account, kinakailangan muna na mayroon kang bank account na nakapangalan sa’yo.

PayPal New Account

http://www.freelancing.ph/freelancers-guide-getting-know-paypal/

PayPal Withdrawal

https://www.pinoymoneytalk.com/paypal-withdraw-philippine-banks/

6. Gumawa ng sariling work routine.

Ito ay napakahalaga bilang isang remote worker dahil kahit na hawak mo ang iyong oras, how you finish an output will still depend kung paano mo hinahati ang iyong oras para matapos ang iyong mga tasks. Nariyan na ang mga usual na kalaban ng mga remote at freelance workers – procrastination at lack of self-discipline.

Dahil ang supervision ay remote din, malaki ang chance na ma-tempt ka mag-browse sa Facebook o matulog muna saiyong kama hanggang sa hindi mo namalayan na ilang oras na ang nawala sa araw mo.

Being a freelance professional or a remote worker still requires professionalism at a certain degree. Isa na rito ang pag-deliver ng output on time o according sa napagusapan nyo ng client mo na deadline. Hindi rin maaaring maging buzzer beater sa pag-submit ng deliverables dahil ang mako-compromise ay ang kalidad ng iyong output.

Take remote working or freelancing as if it is your own business. Technically, your freelance or remote work is your business. If you want it to flourish, kailangan may sarili ka ding work ethics to make sure na it will sustain you in the long run.

 

Ako ay nagsimulang magtrabaho bilang isang remote worker noong 2017. Ang transition ay hindi mahirap if you already know what to expect based sa mga nakalap mong impormasyon through your research. Also, kinakailangan ding masigasig ka sa paghahanap ng mga bagong opportunities. But I can assure you na there are a lot of opportunities out there to those who plan to venture in this kind of work setup.

Mahalaga lang talaga na ready ka din to make the sacrifices and exert every effort that you can dahil gaya din ng pagiging isang office employee, hindi rin madali maging isang remote worker. In my case, napaka-suitable ng set up na ito because I can make my own schedule. Mainam ito sa sitwasyon ko ngayon kung saan marami akong kailangang gawing extra tasks kasama na ang pagtulong para sa isang family project.

Lahat tayo may kanya-kanyang priorities but in the end, it is up to us how we are going to manage them. Kung ikaw ay matagal nang nagiisip kung ang remote working ba ay para sa’yo o hindi, I hope this article helped you decide one way or the other. 🙂

Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters…” – Colossians 3:23

“May the favor of the Lord our God rest on us; establish the work of our hands for us— yes, establish the work of our hands.” – Psalm 90:17

“You will eat the fruit of your labor; blessings and prosperity will be yours.” – Psalm 128:2

“Those who work their land will have abundant food, but those who chase fantasies have no sense.” – Proverbs 12:11

“All hard work brings a profit, but mere talk leads only to poverty.” – Proverbs 14:23

“Give generously to them and do so without a grudging heart; then because of this the LORD your God will bless you in all your work and in everything you put your hand to.” – Deuteronomy 15:10

Praying all the best for you as a remote worker,

NewBlogSignature_edited_edited

NOT Hopeless: May Pag-asa Pa Din

Contrary sa iniisip ng karamihan na wala ng pag-asa na mabago ang sistema sa ating lipunan kahit kailan, nais ko lang sana ipaalam na meron at meron pa ding pag-asa. 🙂

Oo, hindi na natin mababago ‘yung sistema sa ngayon sa ating gobyerno. Dahil kumbaga sa puno, ito ay isa ng acacia tree – malaki, malago at maraming ugat na nakabaon hanggang sa pinakailaliman. Hinding hindi ito basta basta mabubuwag. Putulin mo man ang puno o main trunk, andyan pa rin ang ugat, uusbong at uusbong pa rin. Kailangan ng isang napakalakas na bagyo in the history of PAGASA (‘yung ahensya at pwede namang ‘yung hope) para ito ay mabuwag at tuluyang mawala.

Ano ba ang problema sa lipunan?

Greed for money and power – ang ugat ng iba pang suliranin sa lipunan gaya ng kahirapan, pagkagutom, traffic, etc. Ito ‘yung kagustuhan to be the best and the richest. Just like how kingdoms #riseandfall noong unang panahon sa bibliya. Nga lang, karamihan ay gusto ng great power and great wealth. Parang mga leon na binigyan mo ng malaking piraso ng karne, lahat gusto tumikim.

Maaaring mabago ang konsepto na ‘yan without demanding our government and the leaders now to change dahil we don’t have the power for that anymore kundi ang Dios na. Panalangin na lang sa kanila ang maaari nating gawin. At ibabase ko lang ito sa dalawang premises na madalas nating marinig ngunit madalas din nating isantabi:

1. Change starts in me.
2. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

‘Yang dalawa ay magkaiba ang pinanggalingan ngunit kapag pinagsabay mo, ito ang magsisilbing daan towards that CHANGE.

Paano?

Lahat tayo ay magulang o magiging magulang o kung hindi man ay mag-aampon o magso-sponsor ng isang bata. Sa lagay na ‘yun, we have the POWER. Not for greed or money but the power to make the change in the society through the younger generations.

Saan ba nagsisimula ang paghubog ng tamang asal at magandang karakter ng isang tao mayaman man o mahirap? Sa isang pamilya sa pamamagitan ng patnubay ng magulang because we, the parents, are the leaders in our own home. Ang STEALING, CHEATING at LYING ay ilan lamang sa mga halimbawa ng di-kagandahang asal na natututunan ng isang bata oras na magkaroon sila ng kamulatan. Ang hindi pag-correct at pag-disiplina sa pagnanakaw ng ballpen ng classmate halimbawa ay maaaring mauwi sa pagnanakaw sa kaban ng bayan pagtanda.

Kung tatanungin ninyo ako ano ang guide o panuntunan para turuan ng magandang asal ang ating mga anak, sa totoo lang, ‘di mo kailangan maghanap sa iba o i-enroll sya sa isang social etiquette class – nariyan ang BIBLE. The bible contains the highest standards when it comes to morality – lahat napapaloob doon mula sa tamang pananalita, tamang reaksyon, tamang kilos, tamang desisyon at higit sa lahat, takot sa Dios.

In fact, our laws right now na ginawa originally ng ating forefathers ay ginawa alinsunod sa mga nakalagay sa bibliya. Kung titingnan natin ang 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, mababasa mo sa Preamble ang pag-recognize kay God as the Supreme being who governs ALL laws:

PREAMBLE

We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society, and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

As a parent it is our role to live out these standards so we could become good role models at mas madali rin ang pagturo sa mga anak kung ano ang tama sa mali.

Malay mo o malay natin, ang anak mo, sya pala ang susunod na President of the Republic of the Philippines 30 years or so from now. We can never tell, right? At kung marami sila na nahubog sa tamang pamamaraan with the aid of of our Almighty God and nakaupo na sila sa pwesto ng gobyerno in the future, baka maaari ngang malabanan ang mga katiwalian dahil sila na ang mas malaki at mas malago at ang mangingibabaw ay kabutihan for the greater good of the Filipino people.

#maketheCHANGEforyourchildrenandtheirfuture

P.S.

Para saan pa nga ba ang pagpapaaral sa akin mula sa kaban ng bayan kung hindi rin ako gagawa ng paraan hanggang sa abot ng aking makakaya at kaalaman para matulungan ang aking bayan at mga kababayan. – Iskolar ng Bayan

“I am only one, but I am one. I cannot do everything, but I can do something. And because I cannot do everything, I will not refuse to do the something that I can do. What I can do, I should do. And what I should do, by the Grace of God, I will.” – Edward Everett Hale