Kwento Ni Kam, Kwento Ng Pagasa

I originally posted this as a caption of a photo on Facebook. It was supposed to be one paragraph long. But, as we all know it, writers often end up writing more than just a paragraph. Voila, it became an article. 😅

This is written in the vernacular, and once again, I am putting my hopes on Google to make a fine job in translating it for you, my dear readers.


Sa bawat bad news na natatanggap namin ni Bri, binabalanse ito ng Dios with good news. Na para bang sinasabi Nya an “patuloy kayong umasa sa Akin at huwag sa mga circumstances nyo sa paligid.”

Parang itong si Kam (kamatis). Umabot sa punto na nag-50/50 sya. Ilang araw nalanta, nanilaw, namatay ang ibang dahon, at natuyo ang ibang flower buds. Ni-try ko syang i-revive na may kasamang dasal sa Panginoon.

Pero sure ako sa nakikita ko na walang matutuloy na mga bulaklak at ‘di na rin sya mamumunga. Pakiramdam ko nga tuluyan na syang mamamatay at mauuwi sa wala ang halos 4 mos naming pag-aalaga sa kanya.

Pagasang Hirap Hagilapin

Ito ang aming “panganay” sa aming mga tanim sa pagsimula ng quarantine. May mga times na gusto ko syang palitan dati dahil wala naman akong makitang mga buds. Kasing tangkad ko na rin sya dahil indeterminate variety sya, ang hirap nya i-stake.

Gusto ko syang sukuan in other words. Pero mas pinili kong patuloy syang alagaan, hinanapan ng paraan ang stake nya, at habol ko na lang is dagdag sa clean air ang mga dahon nya kung sakali mang ‘di sya mamunga. At dahil nga sa nag-50/50 sya, parang mas gusto ko na talaga syang palitan ng iba ngayon.

Magandang Balita Sa Kabila Ng Lahat

 

Ngunit noong Sabado, biglang nagbago ang lahat. Ang asawa ko ang nakapansin na nag-open na iba nyang mga flower buds.

At ang kulay pala ng bulaklak ng kamatis ay dilaw (first-time tomato grower here 😃). The color YELLOW symbolizes HOPE.

Alam kong hindi coincidence itong lahat. Yaong sya ang una kong tanim, maraming hirap at sakripisyo ang binuno sa kanya, muntik ng mamatay, at nabuhay sya sa panahon kung saan napakagulo ng paligid.

God knows what we need at exactly the right time. He knows we need something/someone to encourage us to keep on hoping against hope.

Kahit pa sobrang labo at hirap ng sitwasyon natin ngayon. Pero ito ang hinihingi Nya sa atin – to wait and to trust Him completely. Nasa atin na lang kung gagawin natin ito o hindi. 👍🏼

A hopeful gardener who’s always willing to wait,

Blog Signature

P.S.

Napakahalaga ang discernment kung kailan tayo mag-aantay at kailan tayo kikilos kapag nag-utos na ang Dios. Dahil kung tayo pa din ang gagawa ng solusyon sa lahat, we end up frustrated, disappointed, at nabe-burnout. Parang ako kay Kam.

Ngunit hindi rin pwedeng mag-antay na lang tayo forever at walang gagawin. Ika nga sa Bible, “faith without deeds is dead.” It is finding the right balance between faith and deeds that makes what we do a success and a fulfilment.

And always, kailangan nakabatay ang ating mga ginagawa sa mga plano ng Dios. Not our will, but let His will be done. 🙏

“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “These are plans to PROSPER you and not to harm you. Plans to give you HOPE and a FUTURE.” – Jeremiah 29:11 ❤️

P.S.2

Do take note that “prosperity” in the Bible doesn’t always mean wealth and worldly possessions. Kasama ang mga ito. But it could also be prosperity o kasaganaan sa good health, sa peace, sa love, etc.

NOT Hopeless: May Pag-asa Pa Din

Contrary sa iniisip ng karamihan na wala ng pag-asa na mabago ang sistema sa ating lipunan kahit kailan, nais ko lang sana ipaalam na meron at meron pa ding pag-asa. 🙂

Oo, hindi na natin mababago ‘yung sistema sa ngayon sa ating gobyerno. Dahil kumbaga sa puno, ito ay isa ng acacia tree – malaki, malago at maraming ugat na nakabaon hanggang sa pinakailaliman. Hinding hindi ito basta basta mabubuwag. Putulin mo man ang puno o main trunk, andyan pa rin ang ugat, uusbong at uusbong pa rin. Kailangan ng isang napakalakas na bagyo in the history of PAGASA (‘yung ahensya at pwede namang ‘yung hope) para ito ay mabuwag at tuluyang mawala.

Ano ba ang problema sa lipunan?

Greed for money and power – ang ugat ng iba pang suliranin sa lipunan gaya ng kahirapan, pagkagutom, traffic, etc. Ito ‘yung kagustuhan to be the best and the richest. Just like how kingdoms #riseandfall noong unang panahon sa bibliya. Nga lang, karamihan ay gusto ng great power and great wealth. Parang mga leon na binigyan mo ng malaking piraso ng karne, lahat gusto tumikim.

Maaaring mabago ang konsepto na ‘yan without demanding our government and the leaders now to change dahil we don’t have the power for that anymore kundi ang Dios na. Panalangin na lang sa kanila ang maaari nating gawin. At ibabase ko lang ito sa dalawang premises na madalas nating marinig ngunit madalas din nating isantabi:

1. Change starts in me.
2. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

‘Yang dalawa ay magkaiba ang pinanggalingan ngunit kapag pinagsabay mo, ito ang magsisilbing daan towards that CHANGE.

Paano?

Lahat tayo ay magulang o magiging magulang o kung hindi man ay mag-aampon o magso-sponsor ng isang bata. Sa lagay na ‘yun, we have the POWER. Not for greed or money but the power to make the change in the society through the younger generations.

Saan ba nagsisimula ang paghubog ng tamang asal at magandang karakter ng isang tao mayaman man o mahirap? Sa isang pamilya sa pamamagitan ng patnubay ng magulang because we, the parents, are the leaders in our own home. Ang STEALING, CHEATING at LYING ay ilan lamang sa mga halimbawa ng di-kagandahang asal na natututunan ng isang bata oras na magkaroon sila ng kamulatan. Ang hindi pag-correct at pag-disiplina sa pagnanakaw ng ballpen ng classmate halimbawa ay maaaring mauwi sa pagnanakaw sa kaban ng bayan pagtanda.

Kung tatanungin ninyo ako ano ang guide o panuntunan para turuan ng magandang asal ang ating mga anak, sa totoo lang, ‘di mo kailangan maghanap sa iba o i-enroll sya sa isang social etiquette class – nariyan ang BIBLE. The bible contains the highest standards when it comes to morality – lahat napapaloob doon mula sa tamang pananalita, tamang reaksyon, tamang kilos, tamang desisyon at higit sa lahat, takot sa Dios.

In fact, our laws right now na ginawa originally ng ating forefathers ay ginawa alinsunod sa mga nakalagay sa bibliya. Kung titingnan natin ang 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, mababasa mo sa Preamble ang pag-recognize kay God as the Supreme being who governs ALL laws:

PREAMBLE

We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society, and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

As a parent it is our role to live out these standards so we could become good role models at mas madali rin ang pagturo sa mga anak kung ano ang tama sa mali.

Malay mo o malay natin, ang anak mo, sya pala ang susunod na President of the Republic of the Philippines 30 years or so from now. We can never tell, right? At kung marami sila na nahubog sa tamang pamamaraan with the aid of of our Almighty God and nakaupo na sila sa pwesto ng gobyerno in the future, baka maaari ngang malabanan ang mga katiwalian dahil sila na ang mas malaki at mas malago at ang mangingibabaw ay kabutihan for the greater good of the Filipino people.

#maketheCHANGEforyourchildrenandtheirfuture

P.S.

Para saan pa nga ba ang pagpapaaral sa akin mula sa kaban ng bayan kung hindi rin ako gagawa ng paraan hanggang sa abot ng aking makakaya at kaalaman para matulungan ang aking bayan at mga kababayan. – Iskolar ng Bayan

“I am only one, but I am one. I cannot do everything, but I can do something. And because I cannot do everything, I will not refuse to do the something that I can do. What I can do, I should do. And what I should do, by the Grace of God, I will.” – Edward Everett Hale