Kristine & Leon

Isusulat ko na ito sa Filipino dahil hindi ko na alam ano ba dapat kong maramdaman. Dapat ba akong matawa, malungkot, o kabahan sa mga bagong kaganapan ng bagyong Kristine na matinding pinsala na ang iniwan sa Bicol at ngayon ay hinahabol ni Leon na panibagong bagyo na inaasahang papasok ng Pinas ngayong Linggo. Dahil kay Leon ay mahahatak nya si Kristine at babalik ito sa Pilipinas. Magsasanib pwersa ba sila?

Hindi ko alam kung mga bagyo pa ba ito o love story na ba ang nasasaksihan natin. Marami na akong memes na nakita sa Fb na ginawan nila ito ng joke. Na si Kristine daw ay nagtampo kaya naghasik ng lagim sa Bicol bago umalis. Ngayon, hinabol sya ni Leon at mukhang sinuyo kaya babalik sya ng Pinas para magkasama silang dalawa.

Paparusahan mo ba kami ulit, Kristine? Ano ba kasi naging kasalanan ni Leon saiyo? Pwede ba huwag na kayo sa Bicol mag-LQ at doon na lang sa malayo? Mag-cruise ship na lang kayo dyan sa dagat, please? Doon na lang sana nyo ayusin ang inyong ‘di pagkakaunawaan.

Alam naming mahal na mahal nyo ang isa’t isa at hindi nyo kayang mawalay sa isa’t isa. Pero sana magmahalan kayo ng walang ibang masasaktan? Kalmahan nyo sana pareho. Malulusaw din ang mga poot sa puso nyo at papalitan ng umaalab na mga pusong punong-puno ng pagmamahalan sa bawat isa.

Ay shucks, baka ang Bulkang Mayon naman pumutok nito sa umaalab ninyong mga damdamin. Huwag naman sana, please. Hays, basta. Doon muna kayo sa dagat mag-ikot ikot o mag-nature tripping kayo sa mga walang katao-tao, at nang makapagnilay-nilay sa inyong mga nararamdaman sa isa’t isa.

Nagmamahal,

Ang Tunay Na Christine

P.S. Maghanda na po tayo ulit sa posibleng pagsanib pwersa ng dalawang bagyong ito sa susunod na linggo. Manalangin tayo, maghanda, at manalig sa Dios na hindi Nya tayo pababayaan hangga’t ginawa natin ano ang mga dapat nating gawin. Sa mga bagay na hindi na natin kontrolado, ipaubaya na natin ito sa Panginoon. 🙏

P.P.S. Nararamdaman ko ang pagdadalamhati ni Kristine. Pakiramdam ko hindi ito galit na nararamdaman nya kundi pagluluksa at pighati. Kaya bumaha ng luha. Parang ako lang din – nawalan ng Nanay noong nakaraang taon, nawalan ng employment opportunity dahil kay Kristine, nawalay sa asawa dahil nagtrabaho sa ibang bansa, at nasalanta ang mga ari-arian dahil sa bagyo.

Pero may isa pang tao na mas kahalintulad ko ang pinagdaanan. Ito ay si Job sa Bibliya. At mas malala pinagdaanan nya. At kagaya ni Job, hindi ko kailanman tatalikuran ang Dios gaano pa kahirap ng sitwasyon na aking pagdaanan. Pero kagaya din ni Job tatanggapin at haharapin ko itong mga pagsubok kung ito ang sukatan ng pananampalataya ko sa Panginoon. 🙏





Psalm 46:1-2
“God is our refuge and strength, an ever-present help in trouble. Therefore we will not fear, though the earth give way and the mountains fall into the heart of the sea.”

2 Corinthians 4:8-9
“We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed.”

Psalm 91:2
I will say of the Lord, “He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust.”

Isaiah 43:2
“When you pass through the waters, I will be with you; and when you pass through the rivers, they will not sweep over you. When you walk through the fire, you will not be burned; the flames will not set you ablaze.”

Nahum 1:7
“The Lord is good, a refuge in times of trouble. He cares for those who trust in Him.”

John 16:33
“I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world.”

Nehemiah 8:10b
“Do not grieve, for the joy of the Lord is your strength.”

Psalm 32:7-8
“You are my hiding place; you will protect me from trouble and surround me with songs of deliverance. I will instruct you and teach you in the way you should go; I will counsel you with my loving eye on you.”

Joshua 1:9
“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.”

2 Thessalonians 3:16
“Now may the Lord of peace himself give you peace at all times and in every way. The Lord be with all of you.”

Source: Care Magazine


God Is With Us