Taga-BICOL Ka Kung….

Taga-Bicol ka kung alam mo kung anong mga ulam na gulay ang pwedeng lutuin sa mga ito. Meron akong tatlong putahe na naiisip – gulay na iba (kamias), gulay na lubi-lubi (niyog-niyogan), at gulay na ugob (camansi). At syempre hindi dapat mawawala ang gata at lab yu este labuyo. 😍

Iba / Kamias
Ugob / Camansi
Ito ang pinakapaborito kong halaman sa bakuran. Ang daling linisin ng mga dahon na nalalaglag. Perfect sa mga tamad magwalis. lol
Hindi pwedeng mawala ito sa lutong gulay ng mga Bicolano. Tanim pala ito ng mga ibon.
Ready na pang-gata. May extra pang paborito ko – the smaller, the sweeter. Inunahan nga lang ako ng langgam. Tsk.
Ito na ang itsura ng nasa loob ng niyog kapag malaki na sya. Hindi ka taga-Bicol kung hindi mo alam ang “bu-ay.” 😉
Lubi-lubi / Niyog-niyogan

Ang hindi ko lang alam lutuin ang lubi-lubi. But they are very profilic growers in our garden. Madalas nga lang paputulin ni Mommy ang mga ito kasi ang gulo daw sa bakuran. Makapag-experiment nga kung paano lutuin kapag nakauwi na ako. Pero may question ako, gulay ba talaga tawag sa kanila? Hindi ba mga prutas (except sa lubi-lubi) sila? 😅



P.S. Kung ikaw ba ay manliligaw, tingin mo tatanggapin ba ng nililigawan mo kung bibigyan mo sya ng higanteng Pechay? 🤔

P.P.S. Praise God my executive checkup went well yesterday and today, but I still have to wait for the results. I’ll write another article about my experience as soon as I get the results. 😊🙏


“You will be enriched in every way so that you can be generous on every occasion, and through us your generosity will result in thanksgiving to God.” – 2 Corinthians 9:11