MY SASSY GIRL | Favorite Korean Movie

Napanood nyo ba ang My Sassy Girl (Filipino Version) starring Toni Gonzaga and Pepe Herrera? I think okay naman siguro mag-share na ako dito ng movie review kasi alam naman nating lahat ang istorya. Kung hindi mo pa napanood ang My Sassy Girl na original version, magandang panoorin mo muna sya like now na at balik ka na lang dito sa blog. 🙂

My Sassy Girl (Noypi Version)

Kung ikukumpara ko ang dalawa, maganda ang naging remake nila ng My Sassy Girl na unang ipinalabas noong 2001 starring Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun. Wala silang binago sa scenes at sa istorya and I must commend Toni and Pepe for doing a fantastic job sa pagganap ng mga roles nila bilang Junjee at Sheena.

Athough noong una kong nakita si Pepe sabi ko parang ‘di sya bagay na gumanap as Junjee. Pero habang tumatagal ang movie, wala akong ibang masabi kundi napanindigan nya ang role. Saktong sakto sa character ni Gyeon-woo doon sa original version ng movie.

“You know what fate is? It is building a bridge of chance for someone you love.”
Ah yes, ito ang pinakapaborito kong scene sa original movie. 😎
Nagkita, hindi naging sila. Nagkita muli, naging sila na. Ang saya saya.

Ang My Sassy Girl ang pinakauna kong Korean movie na love story na sobrang nagustuhan ko at hanggang ngayon ay masasabi kong nothing compares. At dahil faney na faney ako ni Jun Ji-hyun at tawag din sa akin ng mga kaibigan ko noong high school ay “Ms. Koreana,” naisipan ko na what if gumawa din ako ng sarili kong version?

Ang naisip kong title ay “My Sisa Girl” (The Baliw-Baliwan Version). Syempre ang main character ay si Sisa. At ganito ang storyline nya. Dahil baliw sya ay hinanap nya ang mga anak nyang sina Crispin at Basilio (please review your Noli Me Tangere).

Only to realize later on na hindi pala sya nagbuntis kahit kailan. Parang ako lang talaga. Tapos ayun na, end of the story. Target ko ‘yung super short film lang. ‘Yung tipo ng pelikula na sa bungad ng film ipapalabas agad ang after-credits followed by the closing credits. Pagkatapos ng closing credits, tapos na din ang pelikula.

Malay natin masama sya sa Guinness World Records bilang “Shortest Film Ever Made.” Pero syempre hindi kayo maniniwala na magiging totoo ito. Hindi ko na rin kayo pipilitin na maniwala.

Pero huwag ka ring masyadong tumawa. Discreet lang tayo, beh. Sikuhin kita dyan, ih. 😃 Pero syempre masarap talaga sa pakiramdam ang laging tumatawa kaya panatilihing laging nakatawa at tumatawa kahit hindi nakakatawa. Panindigan natin ang baliw-baliwan version. ✌️

Yours truly,

Sisa Girl

Hindi po ako kolehiyala, 38-year old Platypus lookalike lang po ako. Pls. don’t forget to say “hi” sa pimple ko.

P.S. Baka alisin ko din itong post na ito dahil panigurado ang credibility ng blog na ito ay bubulusok from 90% (kunyari) to 10% na lang dahil sa post na ito. Pero sana makabawi pa din sa originality. Parang criteria for judging lang. Miss World ‘yan, Tin? 😅