Disclaimer: I wrote this article to ask for prayers and any kind of help you could give after the onslaught of Super Typhoon Rolly and Typhoon Ulysses in the Philippines.
Kindly visit this link for more details: https://victory.org.ph/TyphoonPHRelief/?fbclid=IwAR3bmv5Ptv0DJAB3d9PdUXagG2RolDOvpqjZeyJiZAVFstH_x7peilO4WCI
Thank you, and may God continue to be with us all always. 🙏🏻
The Mini Greenhouse
Wala ito sa kalingkingan ng matinding pinagdaanan ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Pero share ko lang din paano naka-survive itong mini green house dahil akala ko mahina lang ang bagyo kaya hindi ko siya niligpit at ipinasok sa loob ng condo.
It’s made from very light metal and plastic materials. Yaong kapag walang laman, kaya syang patumbahin ng isang tulak lang ng iyong daliri. May maximum weight din na pwede mong ipatong sa kanya.

Keeping It Safe
Dahil dati nang malakas ang hangin dito sa condo na para bang laging may bagyo, nakatulong ito para siguraduhin kong secure ang mga gamit at alagang pananim dito sa 10th floor terrace.
Naisipan kong dagdagan ng pabigat ang base ng mini greenhouse pero yaong kaya lang nyang dalhin. Ito ay para sya ay maging matibay at hindi agad liparin o matumba gaano man kalakas ng hangin.
Saved By Grace
It worked out, at sa awa na rin ng Dios, na-withstand ni mini greenhouse ang sobrang lakas na hanging dala ni Ulysses. Buong direction sya binayo at ito rin ang dahilan kung bakit madaling araw na akong nakatulog dahil nakikita kong nayayanig sya ng sobra.
Pero sabi nga ng asawa ko, “Hindi sila matitinag. They will be fine.” At nakatulog sya ng maaga, samantalang ako ay nagaalala pa rin at napapaisip kung ipapasok ko ang mga pananim o hindi sa gitna ng paghampas ni Ulysses.
Building The Foundation
Ngayon ko lang napagtanto na tayo ay kahalintulad ni mini greenhouse at akong gardener ay parang si God. Alam ng Dios ang mga paparating na mabibigat na problema kaya binibigyan Nya tayo ng mga “pasanin” na oo, mabigat, pero kaya nating dalhin.
Pero dahil doon sa “pabigat,” nagagawa nating maging handa para sa mga susunod pang mas “mabigat” na pagdadaanan natin. At dahil din sa mga “pabigat” na ito kaya lumalim ang ating pananampalataya na syang nagsisilbi ngayon bilang ating matibay na pundasyon.
God Is A Firm Foundation
Kaya naman anumang unos ang dumating, yanigin man sa kaliwa at sa kanan, mananatili pa ring nakatayo. And the Bible has the same sentiments about it:
Jesus said, “As for everyone who comes to me and hears my words and puts them into practice, I will show you what they are like. They are like a man building a house, who dug down deep and laid the foundation on rock.
When a flood came, the torrent struck that house but could not shake it, because it was well built. But the one who hears my words and does not put them into practice is like a man who built a house on the ground without a foundation.
The moment the torrent struck that house, it collapsed and its destruction was complete.” – Luke 6:47-49
May we all build our foundation securely – not on something temporary, but on something that is firm. It may be a rock, and it can be God.
Praying for strength always,

P.S. Next bagyo (apat or lima pa daw ang papasok bago matapos ang 2020 sabi ng PAGASA) ipapasok ko na silang lahat para makatulog ako ng matiwasay.
Which reminds me, too, na it looks like I still have such little faith. Kaya kailangan pa siguro ng marami pang “pabigat” para maging solid ang foundation. 👍