The musings of a wandergeselle about faith, literature, music, dancing, culture, food, travels, art, fashion, photography, life experiences, and everything in-between from journée to journée.
I find it timely for events such as the Midyear Prayer and Fasting and the Women’s Summit to take place this month and next month just when circumstances for the past weeks demanded nothing but tons of prayers and a lot of faith. God is always the God of perfect timing, eh? 😉
I also felt the urge to send an invite to all the women who shared the predicament they are in right now when it comes to the concubinage/adultery case I posted 4 months ago. Until now it is being re-shared across Facebook and I still get comments mostly from married women about their husband’s infidelity.
I did reply to some of the comments by sharing the website of the Public Attorney’s Office where they can seek legal counsel over their situation for free or for a minimal fee. But I know the best that I can only do is to pray for them – pray for ways how they can be healed, how their marriages will be restored, and how I can connect them to a spiritual family.
I also know how it felt to be in a “dark” situation 6 years ago when I wasn’t a born-again Christian yet. It was also faith that brought me out into the light and gave me a new hope and a fresh start in life. I have high hopes they will also experience freedom from their past and salvation that only God can provide.
I shared that particular post not because my husband and I went through the same thing but I just felt I had to. I thought the Women’s Summit event, which will be held in our church at Victory Fort, came just in time for women to uplift fellow women and pray for those who are in dire need of prayers.
I hesitated sending the invite tho to each one of them thinking it might come intrusive and just settled with sharing it publicly on my profile instead. I hope they will see the post and attend the event because I know it is only the church and the spiritual family who can help them get through a tough ordeal just like how they helped me get through mine. 🙏
To all those who are interested to attend the Women’s Summit event on August 10, 2019 from 9:00 am to 12 noon, you may register online here: https://victoryfort.org/ws2019/. ❤
From a sister in Christ who mourns and prays for fellow sisters who are afflicted,
To my non-Filipino readers, I wrote this article in the vernacular because I felt the message will go through much better in this medium. But you may use the Google translate button below or at the sidebar of this page. I just hope Google will do a fine job of translating it. *wink*
“Paano Ba Ang Tamang Pagpapatawad?”
Noong nakaraang buwan, may isa akong status update na ni-post sa Facebook. Ito ay tungkol sa kasong adultery at concubinage. Hindi namin pinagdaanan ito ng asawa ko kaya sa mga nagtataka bakit nga ba bigla lang akong nag-post tungkol doon, wala akong ibang maisagot kundi dahil sa naramdaman ko lamang na kailangan ko syang i-post.
Infidelity: Kasong Concubinage at Adultery
Ang infidelity o pagkakaroon ng kabit o karelasyong babae/lalaki maliban sa iyong asawa ay isang sensitibong usapan pagdating sa ating lipunan. Madalas natin itong napapanood sa mga pelikulang Pinoy at teleserye. Ngunit sa totoong sitwasyon, ito ay itinuturing bilang isang kahihiyan. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit maraming mga biktima ang piniling manahimik na lamang at indahin ang sakit at mga pasakit na dulot nito.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipan kong i-post ang tungkol sa adultery at concubinage case. Dahil nakita ko ang dalamhati nila, ang sakit na dinaranas bawat araw, at kanilang mga sakripisyo sa pamamagitan ng pagiging matatag sa kabila ng lahat alang-alang sa kanilang mga anak at ikatatahimik ng lahat.
Ang iba naman ay nagpaubaya na lamang dahil hindi sapat ang kanilang impormasyon tungkol sa infidelity at sa mga batas na nangangalaga sa mga karapatan ng isang asawa. Kahit saang bansa sagrado ang tingin ng batas at ng lipunan sa isang kasal o pagsasama ng isang mag-asawa.
Ang adultery case ay iba sa concubinage case. Ang una ay kaso ng isang asawang lalaki laban sa kanyang asawang babae at ang kabit nito. Ang huli ay kaso ng isang babaeng asawa laban sa kanyang asawang lalaki at ang kabit nito.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito, maaari ninyong basahin itong artikulo:
Hindi ko inakala na maraming kababaihan ang dumaraan sa ganitong mahirap na sitwasyon ngayon at walang alam kung paano ito resolbahan. Nakita ko ang mga komento ng iba’t-ibang kababaihan na naglahad ng kanilang mga kanya-kanyang sitwasyon. Hindi ko rin napaghandaan na ganito ang magiging kalalabasan ng post na iyon na ni-share ng mga kaibigan at ng mga kaibigan nila.
Ngunit ipinanalangin ko sa Panginoon na gabayan Nya ako kung paano makakatulong sa aking mga kapatid na kinakaharap ang ganitong masalimuot na sitwasyon. Ang itinuro sa akin ng Dios ay ang website ng Public Attorneys Office at ang mga numero kung paano ito kontakin. Ito ang kasagutang aking naibigay dahil hindi ko masasagot ang mga katanungan nila at hindi naman ako abogado.
Ano Ang Iyong Gagawin Bilang Isang Kristyano?
Marahil sa puntong iyon ng pag-post ko, marami sa mga kaibigan ko ang nagtaka lalo na sa konteksto ng pagiging isa kong Kristyano. Dahil ang utos sa Bibliya ay magpatawad at huwag maghiganti sa isang maling gawain na ginawa saiyo.
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Dios. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti,” sabi ni Panginoon. – Mga Taga-Roma 12:19
Ngunit ayon din naman sa aking pananaliksik, ang pagpapatawad daw ay laging may kaakibat na kondisyon. Dahil ganoon din ang hiningi ng Dios sa atin kapalit ng ating pagkakaligtas – tanggapin si Hesus bilang iyong tagapagligtas at talikuran ang masamang nakaraan. Pero meron din namang nagsasabi na sa anumang uri ng pagkakamali, palaging maging handa magpatawad.
Naisip ko na may rason ang Dios bakit Nya pinagawa ang sampung kautusan kay Moses noon na ‘yun ang naging basehan ng ating mga batas upang mapanatili ang katahimikan sa lipunan ngayon. Lahat ng ito ay naglalayon na mapangalagaan ang karapatan ng bawat isa sa ating mga mamamayan at mamuhay kasama ang iba ng tahimik at may respeto sa kapwa.
Sa usapang infidelity, and katanungan ng karamihan ay paano ba magpatawad at nararapat bang kasuhan ang iyong nagkasalang asawa? O patawarin ko na sya kaagad at ibaon ang lahat sa limot?
Kung walang nangyaring paghingi ng kapatawaran, para sa akin, mas pipiliin ko pa ring magpatawad. At sa ilang beses na naging bigo sa pagtupad ng kanyang pangako ang iyong asawa ngunit patuloy pa rin na gumagawa ng kasamaan at patuloy ding humihingi ng iyong kapatawaran, mas nakakabuting hingin mo ang payo ng Dios sa kung ano ang nararapat gawin.
Nakasaad sa Bibliya na ang adultery/concubinage ay isang sapat na rason para iwan mo ang iyong asawa. Ngunit nakasaad din dito na ang tunay na pagmamahal ay handang magpatawad sa lahat ng oras, sa anumang pagkakamali, at hindi basta-basta sumusuko.
Ang mga batas natin ay hinayaan ng Panginoon na maisakatuparan dahil ito ay may magandang pakay para sa lipunan at sa mga mamamayan. Hindi ito ginawa para lamang panakot kundi magsilbing gabay sa mga tao para gawin kung ano ang tama at maturuan ang mga may sala na talikuran ang paggawa ng masama at mag-bagong buhay.
God Is Always With you
Para saiyo kapatid na patuloy na nagdadalamhati sa sakit at pait na dulot ng infidelity, ito lamang ang aking maipapayo:
Hindi na mahalaga na tanungin mo ang iyong sarili kung saan ka ba nagkulang at nagawa ito saiyo ng iyong asawa. Lahat tayo ay may kakulangan. Pero kung totoong mahal ka nya, kaya nyang tanggapin ano mang pagkukulang mo at kung mahal mo rin sya, kaya mo ring tanggapin ang buo nyang pagkatao.
Hilingin mo sa Panginoon ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon ninyo ng inyong asawa. Tanungin mo Sya kung nararapat bang kasuhan ang iyong asawa ng adultery o concubinage case o patawarin mo na lamang sya, talikuran ang mga nangyari, at hayaan na lamang na panahon ang maghilom ng lahat.
Dios ang palaging nagtatama ng lahat. Ngunit tayo ang kikilos ayon sa Kanyang mga utos. Ika nga nila, “Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa.”
Huwag kang panghinaan ng loob, hindi lamang ikaw ang nagdurusa at nasasadlak sa ganitong kalagayan. At lalo na, hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang handang tumulong saiyo sa anumang paraan na alam nila para ikaw ay makabangon muli.
Patatagin mo ang iyong kalooban dahil karamay mo kami at ang Dios. Sa Dios pa lang, panalo ka na. Hayaan mo Syang igabay ka sa mga tamang taong tutulong sayo at gagabay din sayo sa tamang daan.
Lahat ng bagay may simula at katapusan. Ang paghihirap mong ito ay matatapos din. Ang unos ay titila at ang araw ay lalabas din. Madilim man itong dinaraanan mo ngayon pero liliwanag din sa huli. Manalig ka na lahat ng mga nangyayari sa mundong ito ay nakikita ng Dios. Dios ang pinakahukom kung saan lahat ng bawat kilos natin ay ating pananagutan at sisingilin Nya sa atin pagdating ng tamang panahon.
Bumangon ka kapatid. Harapin mo ang bawat umaga ng may tapang at lakas. Na sa kabila ng pinagdaraanan mo, mananatili kang matatag. Isa kang magiting na sundalo na sa bawat laban, ang bandila mo ay patuloy na mamamayagpag. Higit sa lahat, isa kang magiting na mandirigma dahil kakampi mo ang Dios. At ito sana ang panghawakan mo palagi:
“Tinutulungan Niya ang mga nagdurusa at ‘di binibigo ang walang pag-asa.” – Mga Awit 34:18
Patuloy na nananalangin ng taimtim para saiyo, kapatid,
LikeLoading...
Is this your new site? Log in to activate admin features and dismiss this message