38th: Panibagong Lakas Para Sa Panibagong Bukas

Kaarawan.

Isang taon naman ang lumipas. Narito na naman ako at nagtatanong sa Panginoon, “Lord, ito na ba ang huli kong kaarawan?”

Minsan pabiro. Minsan seryoso. Pero bakit ko nga ba tinatanong? Marahil marami pa akong nais gawin, nais sabihin.

Pagkakataon.

Hindi ko mawari ilan pang pagkakataon ang lilipas. Masasayang kaya ang mga ito? Minsan lang kasi itong dumarating.

Sa bawat pagkakataon, hatid nito ay bagong istorya, bagong eksena, bagong artista. Ano kaya ang silbi nila? Marahil dahil may alaalang naiiwan na sadyang kay hirap kalimutan.

Pasasalamat.

Hindi ko man madalas sambitin, ngunit buong puso kong pinapanalangin. Nawa’y maramdaman ng mga taong naging bahagi ng buhay ko ang kagalakan ko sa lahat ng tulong na naibigay nila madalas man ito o minsan.

Ito lang ang tangi kong maibibigay dahil buo ang tiwala ko sa Maykapal na Syang nakakakita ng lahat at Sya rin ang magsusukli sa bawat mabuting gawa ayon sa Kanyang takdang panahon. Sapat din ba ang naitulong ko sa iba? Marahil ay kulang pa.

12222023.

Kaya sa aking kaarawan, gagamitin ko ang pagkakataon na ito para pasalamatan ang mga taong nagmamahal at nagbibigay ng lakas para ako’y magpatuloy sa bagong bukas. Kasama ka dyan, kapatid. At higit sa lahat, sa Dios na Syang maybigay ng buhay na ito. ❤️

Nagmamahal,

Tin (a. k. a. the young Charo Santos 😅✌️)



“The grace of the Lord Jesus Christ and the love of God and the fellowship of the Holy Spirit be with you all.” – 2 Corinthians 13:14



Got thoughts? Share 'em! :-)