Kwento Ni Kam, Kwento Ng Pagasa

I originally posted this as a caption of a photo on Facebook. It was supposed to be one paragraph long. But, as we all know it, writers often end up writing more than just a paragraph. Voila, it became an article. 😅

This is written in the vernacular, and once again, I am putting my hopes on Google to make a fine job in translating it for you, my dear readers.


Sa bawat bad news na natatanggap namin ni Bri, binabalanse ito ng Dios with good news. Na para bang sinasabi Nya an “patuloy kayong umasa sa Akin at huwag sa mga circumstances nyo sa paligid.”

Parang itong si Kam (kamatis). Umabot sa punto na nag-50/50 sya. Ilang araw nalanta, nanilaw, namatay ang ibang dahon, at natuyo ang ibang flower buds. Ni-try ko syang i-revive na may kasamang dasal sa Panginoon.

Pero sure ako sa nakikita ko na walang matutuloy na mga bulaklak at ‘di na rin sya mamumunga. Pakiramdam ko nga tuluyan na syang mamamatay at mauuwi sa wala ang halos 4 mos naming pag-aalaga sa kanya.

Pagasang Hirap Hagilapin

Ito ang aming “panganay” sa aming mga tanim sa pagsimula ng quarantine. May mga times na gusto ko syang palitan dati dahil wala naman akong makitang mga buds. Kasing tangkad ko na rin sya dahil indeterminate variety sya, ang hirap nya i-stake.

Gusto ko syang sukuan in other words. Pero mas pinili kong patuloy syang alagaan, hinanapan ng paraan ang stake nya, at habol ko na lang is dagdag sa clean air ang mga dahon nya kung sakali mang ‘di sya mamunga. At dahil nga sa nag-50/50 sya, parang mas gusto ko na talaga syang palitan ng iba ngayon.

Magandang Balita Sa Kabila Ng Lahat

 

Ngunit noong Sabado, biglang nagbago ang lahat. Ang asawa ko ang nakapansin na nag-open na iba nyang mga flower buds.

At ang kulay pala ng bulaklak ng kamatis ay dilaw (first-time tomato grower here 😃). The color YELLOW symbolizes HOPE.

Alam kong hindi coincidence itong lahat. Yaong sya ang una kong tanim, maraming hirap at sakripisyo ang binuno sa kanya, muntik ng mamatay, at nabuhay sya sa panahon kung saan napakagulo ng paligid.

God knows what we need at exactly the right time. He knows we need something/someone to encourage us to keep on hoping against hope.

Kahit pa sobrang labo at hirap ng sitwasyon natin ngayon. Pero ito ang hinihingi Nya sa atin – to wait and to trust Him completely. Nasa atin na lang kung gagawin natin ito o hindi. 👍🏼

A hopeful gardener who’s always willing to wait,

Blog Signature

P.S.

Napakahalaga ang discernment kung kailan tayo mag-aantay at kailan tayo kikilos kapag nag-utos na ang Dios. Dahil kung tayo pa din ang gagawa ng solusyon sa lahat, we end up frustrated, disappointed, at nabe-burnout. Parang ako kay Kam.

Ngunit hindi rin pwedeng mag-antay na lang tayo forever at walang gagawin. Ika nga sa Bible, “faith without deeds is dead.” It is finding the right balance between faith and deeds that makes what we do a success and a fulfilment.

And always, kailangan nakabatay ang ating mga ginagawa sa mga plano ng Dios. Not our will, but let His will be done. 🙏

“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “These are plans to PROSPER you and not to harm you. Plans to give you HOPE and a FUTURE.” – Jeremiah 29:11 ❤️

P.S.2

Do take note that “prosperity” in the Bible doesn’t always mean wealth and worldly possessions. Kasama ang mga ito. But it could also be prosperity o kasaganaan sa good health, sa peace, sa love, etc.