A Letter To Our Neighbors: Mahabang Reklamo Na May Magandang Punto

I lost it yesterday. Ang dalawang taon na pagtitimpi namin ni Brian, I just lost it. Oo, dalawang taon na namin ni Brian pinagtatyagaan ang kapitbahay naming mga smokers.

Sa bawat pasok ng usok ng sigarilyo sa aming condo, nagagalit kami pero we let it go. Hindi namin sila inaway, sinita, o sinigawan sa terrace. Kahit pa araw-araw ako inaatake ng allergic rhinitis, tinitiis ko ang pasakit na dala ng paninigarilyo nila.

Allergic Rhinitis On My End

Gaano ba kahirap mabuhay ng may allergic rhinitis? Napakahirap. Masakit. Sa bawat bahing ko pakiramdam ko buong lungs ko ay luluwa. At hindi lang sya nangyayari ng isang beses sa isang araw. Maraming beses syang mangyari dahil nati-trigger ng cigarette smoke. At may kasama syang runny nose.

Kaya may panahon na minsan wala na akong panlasa dahil sa sipon. Minsan naman lasang dugo ang lalamunan ko dahil nara-rupture ang mga veins sa sinus ko. Maga sila. May sugat.

Meron bang gamot? Meron, antihistamine. Pero hindi pwedeng everyday ako uminom. Dahil kapag nasanay ang katawan ko sa gamot, pataas ng pataas ang dosage dahil hindi na sya ganun ka-epekto. Bakit ba ako may allergic rhinitis? May family history kami ng asthma.

When Too Much Is Too Much

Kahapon bumigay na ako. Hindi ko na kinaya. Ang poot at galit sa puso ko na pilit kong i-contain, nagu-umapaw. Gusto ko lumabas ng terrace at sumigaw. Gusto ko silang sugurin. Pero ang problema ay hindi ko sila kilala. Wala akong proof sino sa kanila ang talagang nagso-smoke. Isa pa, pinagsabihan ako ng Mommy ko na ‘wag silang patulan.

Last year, nag-complain ang bro-in-law ko na ang lakas nga daw ng usok ng sigarilyo at pumapasok sa kwarto nila. Sila ng ate ko may-ari ng condo. Nag-suggest sya na ireklamo na namin. Kaso ang rason ko ay yaong wala nga kaming proof para madiin sino sa kanila ang salarin.

Pero ito lang ang bagay na hindi naisip ng aming kapitbahay ngayon. Hindi ito ang tamang panahon para patuloy na mang-agrabyado ng tao. Why?

A Deadly Bio Warfare

Dahil meron tayong deadly at powerful biological warfare out there ngayon na for free at pwedeng gamitin anytime for suicide attacks – COVID 19. It can technically be used as a weapon by anyone who has grievances against someone, an organization, a community, or the government.

Umabot na ako sa punto na sa sobrang galit ko hindi ko na inisip what could possibly be the repercussion of what I will do. Nabalot na ng poot ang ability ko to think rationally at gusto ko i-unleash lahat ng sama ng loob na inipon ko sa ilang taon na andito kami dahil sa kanila.

A Righteous Anger But The Wrong Approach

Since I am sure compromised na din ang health ko dahil sa second-hand smoke, mabilis akong kakapitan ng virus. Lalo na sila kung matagal na silang naninigarilyo at mga kasama nila sa bahay.

Sabi ko kay Brian, gagawin kong intentional na magka-COVID 19 ako. Lalabas ako without a mask at pupunta ako sa mga lugar malapit sa amin na may maraming cases. Sisiguraduhin kong I will get the virus.

At kapag nakaranas ako ng sintomas, sisiguraduhin kong hindi ako magpapa-ospital at sisiguraduhin kong maikalat ang virus dito sa amin. If mamatay kami at mangamoy ang condo dahil sa nabubulok naming bangkay at magtaka mga kakilala namin why we are unresponsive sa mga texts and calls, then so be it.

Sa tanong na paano ang mga bata at ibang residents na walang sala? They will be part of the collateral damage. And the admin of this property is also to blame sa paggawa ng house rules na bawal ang paninigarilyo pero hindi naman nila pinapatupad ng maayos.

Who Are They?

May mga anak sila. Maiingay sila kaya naririnig namin. May mga bata rin doon sa dulo ng hallway namin. Noong isang araw may baby din na umiiyak.

Napaiyak ako. Napahagulgol. Lord, free me from this suffering. Ang bigat ng loob ko dahil sa poot. And yet mas lalo pang bumigat because my soul wrestles sa plano kong maghasik ng virus dito sa community. It is a heinous crime. It is murder. IT IS WRONG.

That makes me a murderer at bawat buhay ng bawat taong mahahawa dito ay dala-dala ng konsensya ko. Napaiyak ako. Ngayon mas malakas. Hindi ko na na-control ang mga luha sa patuloy na pagbuhos.

When My Soul Wrestles For What Is Right

Lord, hindi ko kayang sundin ang utos mo na I should love my neighbor as I love myself. Napakahirap lalo na kung walang naidulot kundi sama ng loob. Hindi ko rin kayang sundin ang sabi mo na kung ang pasakit na ito ay meant to be na mangyari sa akin at ito ang krus na kailangan kong pasanin bawat araw, suko na ako. Napakabigat, Lord.

Ngunit kaya ako naiyak hindi dahil sa galit. Kundi dahil hindi ko kayang kumitil ng tao sa kahit anong dahilan o sa kahit paanong paraan. And even if sobrang na-agrabyado o nagalit ako, hindi ‘yun ang solusyon na itinuro ng Dios. Hindi ito ang mga dapat na salita at pag-iisip ng isang Kristyanong nagpapakilala na isang alagad ng Dios.

My soul is wrestling between what is good and what is bad. The mere fact na nag-isip ako ng ganitong bagay, I have already committed a crime sa mata ng Dios. Hindi ako karapatdapat na tawaging anak ng Dios sa aking mga inisip at isinambit. And I know that is something I need to settle with God alone.

God-Given Husband

My husband heard it all, too. Sa kanya ko inilabas ang mga masama kong plano. Humanap ng paraan asawa ko. Ni-try nya ulit kausapin ang guard sa baba ng building. Dahil ‘yung first time naming reklamo ay walang nangyari. He came back at ni-assure ako na oras may mag-smoke ulit, patuloy syang tatawag sa guard house hanggang sa mapatigil itong mga naninigarilyo.

Naiyak ako lalo. My husband felt my anger, too. Pero iba naging solusyon nya. He tried to find a way to solve it sa tamang paraan na alam nya kahit pa the same ito ng mga nauna. He knows how agitated I am but he remained patient enough. He tried to console me as much as he could.

The Purpose Of God Still Stands

It rained.

Bigla kong naalala ang isang notification sa aking blog na nakita ko ngayong umaga. Someone gave me an award yesterday din pala sa WordPress (next article). Isa rin syang writer who chose me among the other bloggers to get the award (thank you, Mrs. T!).

It is an award given to a blog which, “through its writing, presentation and objectives, fosters human values; promoting intellectual, emotional and moral growth of peers.”

These awards on WordPress are basically all about community appreciation and how to support one another in the blogosphere. Nakakatuwa lang when one blogger puts in all the effort sa pag-recognize ng mga naisulat mo as something worth reading.

A Testimony Of My Spiritual Journey

Ang The Journeyman’s Moments kong blog ay isa sa mga bagay na ibinigay sa akin ng Panginoon noong na-born again ako noong 2014. Isa ito sa mga saksi ng aking pagbabagong buhay at sa paglilinis ng aking pangalan galing sa isang masalimuot na nakaraan.

Ito ang naging platform ko where I share everything about my spiritual journey. Naglalaman ito ng mga triumphs and struggles ko as a Christian. Pero hindi ko ito sineryoso masyado noon. May mga panahon na nakakaligtaan kong magsulat dito pero lagi akong nire-remind ng Dios ng calling ko why He saved me.

Kahit ilang months na akong inactive, halimbawa, at hindi nakakapagsulat, meron at meron pa rin akong new followers at mga bagong nagla-like ng mga dati ko pang articles.

His Plans Will Remain

In a way, God is the one who is keeping my blog alive at nagdadala Sya ng mga readers to view what I posted kahit wala akong gawin. Kaya doon ko rin nalaman na ito ang purpose ko why I was saved. To testify about God despite the chaos, the pain, and the suffering all around us.

I love to write. I consider it a gift galing sa Panginoon. Isang therapy sa akin ang pagsusulat. Alam ko din na itong experience recently with the neighbors was meant to happen. He has a good purpose for it, too, even if it means suffering for the time being.

Kasama na dito ang mai-share ko itong karanasan sa inyo and the struggles I go through each day as a Christian. Napakahirap maging Kristyano sa mga ganitong panahon. Ang tindi ng disiplinang hinihingi sa atin.

Severe Trials For What Is To Come

Pakiramdam ko mas matindi pa dito ang tests of faith na mararanasan natin in preparation for the second coming. I know minsan umaabot tayo sa punto na pinanghihinaan na tayo ng loob. Sumusuko na sa laban gaya ng nangyari sa akin.

Pero alam ko na hindi tayo tinawag ng Panginoon para sumuko lang din sa huli. It is not our calling. In fact, it is our calling to fight for faith at all costs. Yes, we will falter along the way. And yet ang importante is we keep on going back to God.

Para tayong nasa tug-of-war na laro na may times na mahahatak tayo ng enemy pero hahatakin din ulit tayo ni God pabalik sa Kanya. Basta pilit din tayong nagpapakatatag para sa Dios.

What We Are Fighting Against

Kailangan nating alalahanin na hindi lang COVID 19 ang kalaban natin ngayon. Marami nang atake ang ipinadala ng enemy to destroy us and what God has built in and around us. Nasa atin kung hahayaan nating wasakin nya tayo or kakapit tayo sa Dios and believe na Sya pa din ang mananalo.

I refuse to take the enemy’s bait. I may have thought the most murderous things, of which I ask for God’s forgiveness and take accountability for them when judgment day comes.

Fixing Our Eyes On Jesus

It is the work of the enemy, and I know he won’t stop. I pray for everyone na bigyan tayo ng Panginoon ng lakas, tapang, wisdom, and discernment para makita ang mga lies ng enemy. Ito lang ang tanging paraan na malalabanan natin ito at para hindi sya mag-succeed.

The struggle is real. Pero I rest in the fact na nakikita ito lahat ng Panginoon. At gaya ng blog ko, kahit wala tayong gawin kahit pa sobrang nahihirapan na tayo, Dios pa rin ang kikilos on our behalf. 🙏

Still fighting as God’s warrior,

Got thoughts? Share 'em! :-)